Stallion series Batch 4
Pipo De Vera
"How did I know if I love her? It was when I looked at her and I saw my future with her."
Annamae was a spoiled brat. Ayaw niyang magtrabaho. Ayaw rin naman niyang magpakatino. Palagi siyang nakikipagsigawan sa mga rock concerts, nakikipagsigawan sa mga nagra-rally, at nakikipagsigawan sa kanyang ama. Siya ang literal meaning ng rebel-without-a-cause.
Hanggang sa mapuno na ang kanyang ama. Binigyan siya niyo ng ultimatum. Magtatrabaho siya o magpapakasal. Pero mas mautak siya kaysa rito kaya gumawa siya ng paraan upang makalusot sa dalawang kondisyon na iyon. Kailangan lang niya ng magpapanggap na boyfriend niyang gusto niyang pakasalan. Nakita naman agad niya ang kanyang prospect: si Pipo de Vera. Ang kaso, tinanggihan siya nito. Pero bumawi naman ito nang magprisinta itong tutulungan na lang siyang maghanap ng magiging “boyfriend” niya.
Pero bakit nang may magprisinta nang iba, unang-unang kumontra ito?

Johann Cristobal
"Kahit ikaw pa ang babaeng pinakamaraming kapalpakan, I will take you. Because you are one of the few things that make me happy."
Ipinangako ni Fridah Mae sa sarili na hindi na niya kakausapin o titingnan man lang si Cedric Johannson Cristobal, ang ubod ng sungit na kaibigan ng kuya niya. Hindi niya matanggap na binasted nito ang kagandahan niya at ipinagpalit siya sa isang babaeng hipon.
Pero nang magkita uli sila sa Stallion Riding Club, nagbago bigla ang ihip ng hangin. Parang sinapian na naman siya espiritu ng nakaraan niya at nabaliw na naman siya rito.
Sa pagkakataong iyon, hindi na siya uurong sa laban kahit babaeng hipon, balyena o pating pa ang humarang sa kanya. Sa kanya lang si Johann.

Daboi Bustamante
"Kapag nagmahal ka, bale-wala na kung kahit kailan ay hindi ka pa nagmahal o katatapos mo lang mabigo."
Arianne was devastated. Ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon ay isa palang nakakabahin na paminta—as in gay, bading, binabae. Because he was her first love, talagang iniyakan niya iyon nang husto.
Ngunit sa kanyang pagluluksa ay isang lalaki ang kumupkop sa kanya. Si Daboi. Inalagaan siya nito, pinangiti at tinuruang magmahal muli. Ang problema, dito muling tumibok ang puso niya. Eh, hindi kasama iyon sa usapan. Ano na ngayon ang gagawin niya? Mabibigo na naman ba siya sa ikalawang pagkakataon? Sa loob lang ng halos dalawang linggo? Sobra naman yatang parusa iyon…

Gianpaolo Aragon
"I am afraid to lose you. Hindi ko kayang gumising sa bawat araw na alam kong wala ka."
Maganda na ang takbo ng buhay at career ni Dafhny. She was working on her dream project as an interior designer—the reconstruction of Casa Rosa. Pero hindi dream project ang Casa Rosa dahil sa kuwentong-multo na tumatakot sa kanya. And she was definitely scared of ghosts.
Gianpaolo Aragon, a certified babe of Stallion Riding Club, offered to look after her. Ito raw ang poprotekta sa kanya mula sa masasamang espiritu. Pero paano ba mapapanuto ang trabaho niya kung maya’t maya siyang inaakit nito? Magpapaakit na lang ba siya o habang-buhay na tatakbo palayo rito?

Angelo Exel Formosa
"Lagi naman akong nasasaktan nang dahil sa `yo… Pero kahit ilang beses akong masaktan, okay lang. Tanggap ko iyon. Wala, eh. Mahal kasi kita."
Ultimate crush ni Nadja si Ian Jack. Para sa kanya, ito na ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay. Handang-handa na ang puso niyang magmahal. Ngunit saka naman dumating ang isang istorbo.
Si Angelo Exel Formosa.
Hindi lang ito naging malaking istorbo para sa pagsinta niya kay Ian Jack, naging panggulo rin ito sa nananahimik na puso niya. Dahil mula nang sumulpot ito sa buhay niya, ito na lang lagi ang kanyang hinahanap…
Teka, hindi ba’t in love na siya sa iba?

Thyago Palacios
"Gusto mo pa bang ipagsigawan ko na ikaw ang babaeng mahal ko para marinig ng lahat at maniwala kang mahal kita?"
Liyah’s idea of an ideal man was someone like her brother. She knew it was stupid. Nobody could be like her brother. Ngunit nang lokohin nito ang babaeng minahal nito, gumuho ang paghanga niya rito.
Thyago Palacios may not be her dream man. He was the exact opposite of her brother. In fact, he was a terrible playboy. Malayung-malayo nga ito sa kuya niya na malambing at mapagmahal, pero susugal siya. Baka hindi rin ito katulad ng kuya niya na iniiwan ang babaeng minamahal…

Icen Villazanta
"You can be the next Hitler for all I care. Kung iyon ang gusto mo, fine… Just let me stay with you. And let me love you with all my heart, for the rest of my life."
Bata pa lang sina Kassandra at Ice nang ipagkasundo sila ng kanilang mga ama dahil sa isang insidente sa kani-kanilang paaralan. They grew up living separate lives. Nagkaroon din naman kasi sila noon ng kasunduan na walang sinuman ang makakapagdikta sa kanila sa kung sino ang pipiliin nilang mahalin at makasama habang-buhay. Ngunit kapag nariyan ang pinakamamahal nilang mga ama, kailangan nilang magpanggap.
Hanggang sa isang araw ay nilapitan siya ni Ice.
"I want you to meet Erica."
"Why?"
"'Coz I'm gonna ask her to marry me."
Ngumiti lang siya. Pero sa loob-loob niya, nasasaktan siya. Dahil noon pa mang mga bata sila, minahal na niya ito.

Hayden Anthony Ilano
"Wala akong pakialam sa opinyon nila o sa nakikita nila sa iyo. Ang importante ay ang nakikita ng puso ko. At ikaw lang ang nakikita ng puso ko."
Katulad ng ibang kababaihan, ambisyon din ni Rei ang makapasok sa Stallion Riding Club sa pag-asang naroon ang lalaking makakasama niya habang-buhay. Ngunit ang natagpuan niya roon ay si Hayden Ilano, ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso. Subalit mayroon itong maraming lihim na hindi alam ng iba. Kasama na roon ang dahilan kung bakit hindi nito maaaring mahalin siya.
"I want us to start anew, Rei. Bigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita kung sino ang totoong ako," pakiusap nito.
Sino nga ba ang totoong Hayden? At bakit kahit anong pilit niyang talikuran ang pagmamahal niya rito ay pilit pa ring lumilingon ang puso niya?

Rozen Aldeguer
"Hindi ko alam kung bakit. Pero sa unang pagkakataon, hindi ko makalimutan ang ordinaryong halik kong iyon sa iyo."
Nang balikan ni Ada ang unang araw na magkaharap sila ni Rozen Aldeguer, ang lalaking crush niya, wala siyang nakitang anumang romantic doon. Nakakahiya ang pangyayaring iyon, kaya’t mas gusto niyang kalimutan na lang iyon.
Ngunit binawi rin niya ang sinabi niya sa sarili na dapat ay makontento na lang siya sa paghanga sa mga lalaking katulad nito. Kahit naging magulo ang kinalabasan ng bawat pagkikita nila, ng kuwento nila, hindi pa rin niya ipagpapalit ang lahat ng iyon kahit pa sa pinakatahimik at pinakamatiwasay na pamumuhay sa mundo. Because she discovered Rozen’s other side. His more lovable side…

Joziah Gatchalian
"Alam ko na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko. I want to be the man you deserve, iyong hindi ka na iiwan kahit kailan."
Si Joziah ang isang bahagi ng nakaraan ni Brescia na ayaw na niyang balikan. Subalit paano kung ito mismo ang sumunod sa kanya para muling mahalin siya.
Handa nang itama ni Joziah ang lahat ng mali sa pagmamahalan nila noon. Kaya ba niyang tanggapin ang pagmamahal nito? Kaya rin ba niyang itama ang lahat at ihayag dito ang lahat ng sekretong itinatago niya sa kanyang puso?

Cloud Montañez
The habit of staring at someone can lead to either of two serious consequences, intense addiction with paranoia or... falling in love.
Para kay Polly, si Ian Jack ang number one sa puso niya. At kung liligawan siya nito, tatanggapin niya ang pag-ibig nito nang buong puso. Iyon ang gagawin niya kahit pa tuwing nakikita niya ang larawan ng mga Stallion boys, lalo na ang kay Cloud Montañez ay hindi niya mapigilang mapangiti. Ito kasi ang may pinakamagandang mukha sa lahat. Pero hindi naman iyon ang mahalaga—dahil ayaw naman niya rito. Masungit kasi ito, at sa kanya lang.
Hanggang isang araw, na-realize na lang niyang ang lalaking inakala niyang mahal niya ay hindi naman pala niya mahal. At ang lalaking inakala niyang ayaw niya ay minamahal na pala niya.
Who ever said that falling in love was easy?

Eizhiro Figueroa
"Dahil sa iyo, ayoko nang magalit. Ayoko nang magtanim ng sama ng loob. Ang gusto ko na lang ay ang magmahal."
Handang-handa na si Gianna upang sumali sa isang baduy na game show. Pakiramdam kasi niya ay iyon na lang ang pag-asa niya para makabayad sa lahat ng pagkakautang niya dahil sa kanyang papalubog nang computer shop.
Subalit sa malas ay mukhang hindi siya kinakasihan ng tadhana. Sa gitna ng malakas na ulan, isang rumaragasang asul na sports car ang nagpaligo sa kanya ng marumi at nakapandidiring tubig-baha. Nasira tuloy ang makeup niya, ang kanyang magandang buhok, pati ang kanyang bagong damit at sapatos.
“Excuse me!” pasigaw na sabi niya, pagkatapos ay kinatok ang tinted na windshield ng sasakyan.
Napanganga na lang siya nang bumaba ang bintana sa driver’s side at dumungaw ang driver. It was Eizhiro Figueroa, The King of Frown. At iyon na yata ang simula ng lahat ng kamalasan sa buhay niya. Dahil kahit saan siya pumunta ay wala na itong dinala sa kanya kundi kamalasan.
Aakalain ba naman niyang pati puso niya ay raragasain nito?

Zairo Montevedra
"Kahit ano pa ang tampo niya rito ay hindi nagtatagal, basta makita lang niya ito. Kahit pa ang pinanini- walaan niyang mali ay nagiging tama kung iyon ang tanging paraan para makapiling lang niya ito."
Trizia hated everything with the letter “T” that day. Kinaltasan siya ng malaking tax, nahuli niya ang boyfriend niyang taksil na si Toby. And because there were no taxis around, she was harassed by some thugs. Mabuti na lang at dumating si Zairo Montevedra at iniligtas siya.
Noong una ay wala siyang balak na pagkatiwalaan ito. Ang tingin kasi niya rito ay malala pa ito sa boyfriend niyang si Toby. Di-hamak na mas bolero ito at mabulaklak ang dila. And he spelled only one name for her: trouble.
But Zairo seemed ready to prove that he could easily tease his way inside her heart. And he made sure she couldn’t resist him.

Hans Cervantes
“You don’t have to thank me. All I want is for you to need me, always.”
Matagal nang pangarap ni Nissa Jean na makita nang personal ang hinahangaan niyang si Rozen Aldeguer, ang lalaking lihim niyang iniibig. Pero dumating sa buhay niya si Hans. In him she found an enemy, a companion, a stress reliever, a punching bag, a listener, a friend... and someone she could love for real. Ngunit si Rozen ang unang nagustuhan niya at minahal; si Hans naman ang unang lumapit sa kanya... at nagmahal.
Mas masarap bang mahalin ang lalaking nasa harap na niya o mas matamis ang pag-ibig kung makukuha niya ang lalaking kanyang pinangarap?

Baxter Saavedra
"Masaya ako kapag nakikita kita. Masaya ako kapag nakakausap kita. Iyon ang dahilan kung bakit lagi mo na lang akong nakikita sa harap mo. I keep coming back to you because I wanted to be with you. All the time."
Baxter Saavedra had all the right ingredients to be the perfect hero in a romance story or real life. Kung hindi lang siguro sa ugali nitong hindi ma-gets ni Michi, baka nagamit na niya itong hero sa mga nobelang isinusulat niya. At aaminin niya, minsan sa buhay niya ay nagkaroon din naman siya ng lihim na pagsinta rito.
Wala naman talaga siyang planong pansinin ito kung hindi lang ito ang unang lumapit sa kanya. He treated her like a lady. He made her feel special. He made her fall for him. Ngunit nang magkaroon siya ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang damdamin dito, bakit bigla na lang lumayo ito sa kanya

Mark Ashley Comello
"Kahit pakainin pa nila ako ng bubog, o paglakarin nang nakapaa sa nagbabagang uling, gagawin ko, para ma-impress ka lang sa 'kin."
Sa kanyang muling pagbabalik, ang tanging inasam ni Daeia ay ang tanggapin siya ng Aringan, ang tribung nagtakwil sa kanya nang matagal na panahon. Nang malaman niyang tatanggapin siya, natuwa siya. Pero mabigat naman ang kapalit.
Kailangan niyang pagtiisan ang presensiya roon ni Mark Ashley Camello, ang pinakaguwapo pero pinakaaroganteng lalaking nakilala niya sa buong buhay niya. Ngunit sa kabila niyon ay natutuhan pa rin niyang mahalin ito.
At nang makasama niya ito sa Stallion Riding Club, parang ayaw na niyang bumalik uli sa Aringan. Ang nais na lang niya ay manatili roon. Sa piling nito..

Danrick Tezzoro
"Alam ko na kaligayahan mo na maging masaya ako. So I’ll do everything to make you happy."
Bonggang-bongga ang beauty ni Vienezze nang maka- sampa siya sa Stallion Riding Club. Malapit nang matupad ang pangarap niya na makasama sa mga elite at makapag- asawa ng isang guwapo at mayamang miyembro ng riding club.
Sa kasamaang-palad, isang guwapo, makisig at hot na maggugulay ang nakatakdang maging kontrabida sa pangarap niya—si Danrick Tezzoro. Ilang mga kababaihan na sa Stallion Leisure Spa ang nag-resign dahil sa pagiging terror nito. At mukhang siya ang bagong pag-iinitan nito.
Tingnan lang niya kung hindi ito lumambot sa alindog niya.

Ricos Caderao
"Unang ngiti pa lang ni Ricos sa kanya, alam niyang nakuha na nito ang kanyang puso."
Magkasintahan sina Genil at Ricos. Para kay Genil, si Ricos lang ang tanging lalaking nakikita ng kanyang puso. Ngunit nang kapwa sila malagay sa isang alanganing sitwasyon, halos kamuhian nila ang isa’t isa. Dalawang taon silang namuhay na may galit sa kanilang mga puso. Dalawang taong iwasan at pagpapasakitan...
Inakala ni Genil na kayang-kaya niyang kontrolin ang kanyang damdamin. Pero kapag kaharap na niya si Ricos, wala siyang magawa kundi ang mahalin ito.

Richard Don Robles
"How could I look at another girl when you already lassoed my heart?"
Para kay Danzelle Ann isang babaero, lampa at makasarili si Richard Don. Kaya nang ipatapon siya sa riding club upang tulungan ito sa Lakeside Café‚ and Restaurant kung saan kasosyo nito ang kapatid niya, parang nagdeklara na rin sila ng World War Three sa isa't isa.
She hated him while he loved to tease her. At mukhang alam nito ang paraan para panginigin ang mga tuhod niya at pabilisin ang tibok ng puso niya.
She shouldn't underestimate him. He was a very dangerous enemy.

Lee Shin Yang
"Hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo mamatay man ang lahat ng
kuko sa paa ko! Never! As in never mong mahahawakan ni dulo ng daliri
ko!"
Iyon ang mga salitang binitwan ni Army kay Shin, ang masugid niyang manliligaw na half Korean at half Filipino. Sa sobrang sugid nito, ni hindi na nito alintana kung ilang beses niya itong binasted. Kahit nasa Korea ito ay tumatawag pa talaga ito para lang manligaw. Na siyang kinabubuwisitan niya, lalo pa nga at katatapos lang niyang mabigo sa pag-ibig. Tuloy ay nabuhos dito ang lahat ng galit niya sa mga kalahi ni Adan.
Pero nagbago iyon nang dumating sa bansa ang binata. She still hated his guts. But there was just something in his gentle voice and chinky Korean eyes that made the coldness in her heart slowly melt away.

Myco Gosiaco 1
"Hindi ko hahayaang mararamdaman mo na mag-isa ka. I want to stay here with you and I know I'm doing the right thing."
Olympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club.
Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng security ng riding club.
Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya?

Myco Gosiaco 2
"My senses told me to stay away from you. Pero lapit naman nang lapit ang puso ko."
Olympia threw caution to the wind when she fell in love with Myco Gosiaco. Nakalimutan na niya ang responsibilidad niya sa mundo. Subalit paano kung lumabas na ang totoong pagkatao niya? Paano kung malaman na ni Myco na siya ang mortal na kaaway nito?
Kaya ba niyang itapon na lang sa hangin ang pag-ibig niya rito o pipiliin niya ang tanggapin ang galit nito at patuloy na mahalin ito?

Reiven Alleje
"Shut up and kiss me if you want to make it up to me."
Ang akala ni Sofiajade ay hindi na muling titibok ang kanyang puso mula nang mawala ang virologist na si Reiven. Isang aksidente ang kinasangkutan nito nang mag-training ito sa isang pharmaceutical company sa Valenzuela. At nabalitang patay na ito.
Ngunit kung ang mga mata ay nakakamali ng tingin minsan, hindi ang puso. Hindi maaring hindi iyon makakilala. Kaya kahit anong pagkumbinsi ng paningin niya na hindi si Reiven ang estrangherong nakita niya na naliligo sa talon, sa bulubundukin ng Cordillera, naghuhumiyaw naman ang kanyang puso na si Reiven nga ang lalaki!

Ian Jack Salmentar
"Kung galit ako sa iyo, hindi ako mababaliw sa kakaisip sa iyo."
Madalas mapagkamalang lalaki si Naville dahil sa kanyang maiksing buhok at pananamit. Pero bale-wala sa kanya iyon dahil mas importante ang mapalago niya ang kanyang negosyo upang may mapatunayan siya sa kanyang pamilya.
One day, she met Ian Jack Salmentar, Stallion Riding Club's elusive playboy. Abala ito sa pag-iwas sa mga babae nito nang mamataan siya nito. Laking gulat niya nang pakiusapan siya nito na magpanggap na lover nito.
Iyon ang naisip nitong paraan upang layuan na ito ng mga babaeng naghahangad ng mas malalim na relasyon dito.
Nang maglaon, hindi na niya maipaliwanag ang damdaming nabuhay sa kanya para dito.

Trigger Samaniego 1
Fourteen years old pa lang si Jeuliette ay
itinatangi na niya sa kanyang puso ang binatilyong si Trigger. Noong
unang masilayan niya ang guwapong mukha nito ay hindi na ito naalis sa
kanyang isip. Subalit magkaiba ang kanilang mga mundo. Simpleng tao lang
siya; samantalang ito, mabanggit lang ang pangalan nito ay nagkakaroon
na agad ng komosyon. Lalo na ang mga babae. Kahit pa nga hindi
ma-distinguish ng mga ito kung si Trigger o ang kakambal ba nitong si
Jigger ang nasa paligid. Sa bagay na iyon, nakalalamang siya sa mga
babaeng iyon.
Dahil siya, sigurado siyang alam niya kung si Trigger o ang kakambal nito ang kaharap niya. Mas tiwala siya sa ibinubulong ng kanyang puso kaysa sa nakikita ng kanyang mga mata...
Ngunit nang magtapat siya kay Trigger ng kanyang tunay na damdamin, nanlumo siya nang isalampak nito sa mukha niya na pagtinging-kapatid lamang ang nararamdaman nito para sa kanya...

Trigger Samaniego 2
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumayo ako gaya ng nais mong mangyari. Pero hindi ko na kayang magpanggap na kaya kong malayo sa iyo. I miss you like hell! And I still love you."
Mabilis na nalagas ang mga dahon sa tangkay ng panahon. Waring sa isang iglap lamang ay dumaan ang maraming taon kasabay ng mga pagbabago sa buhay ni Jeuliette. Ngayon ay isa na siyang sikat na modelo at maari na niyang ihanay ang sarili sa mga babaeng nagugustuhan ng mga Stallion boys.
Isang bagay lang ang hindi nagawang baguhin ng panahon at nananatiling nakaukit sa kanyang puso magpakailanman-ang pangalan ni Trigger Samaniego. Ito ang tanging lalaking nanakit sa kanyang damdamin noon ngunit patuloy pa ring minamahal ng kanyang puso sa paglipas ng panahon.

Jigger Samaniego 1
"You're not my type of girl, But I like you anyway"
Unang nagkita sina Nova at Jigger sa isang coffee shop. At hindi iyon nagustuhan ni Nova—dahil pinagmukha siya nitong tanga nang magpanggap itong may-ari niyon. At hindi rin niya gusto ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa mga tingin nito. Para kasing inaakit siya nito, lalo na kapag sinasabayan pa nito iyon ng pagngiti. Hanggang sa lumapit ito sa kanya. At halikan siya nang walang kaabug-abog. Nang dalawang beses. Hinayaan lang niya ito. Iyon ang eksenang naabutan ng boyfriend niya.
She walked out on him to follow her boyfriend. Pero mukhang nakatakda na talagang magkasala-salabid ang mga landas nila ni Jigger na tila may kung anong puwersang nagmamanipula ng lahat.

Jigger Samaniego 2
"Ang talagang makakapagpasaya lang sa atin ay yong taong naging dahilan kung bakit tayo malungkot."
Nova fell in love with Jigger Samaniego. Inakala niyang pareho lang ang nararamdaman nila. Hanggang sa nalaman niyang lumalapit lang pala ito sa kanya dahil kahawig niya ang isang babaeng naging espesyal dito. That was her friend Jeuliette, who was in love with Trigger, Jigger’s twin. Ang pinakamatindi, ito mismo ang nagsabi sa kanya ng katotohanang iyon. She hated Jigger for breaking her heart. Kaya mula noon ay isinumpa niyang oras na makita niya ang lalaki ay gaganti siya rito. Pinagbigyan naman siya ng tadhana. Pagkaraan ng isang taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Tumalikod nga lang siya dahil hindi niya inaasahang titibok pa rin nang ganoon katindi ang puso niya para sa lalaking bumigo sa kanya.
Lalong naging komplikado ang paghihiganti kuno niya nang tuluyan niyang makaharap si Jigger. Nalaman kasi niyang hindi pa rin pala niya tuluyang napapatay ang damdamin niya para dito. Paano na ngayon ang hustisyang hinahanap ng kanyang puso?