MMLWY#1: *the story starts*
Reese's POV.
"mmm ..." unti unti kong minumulat ang aking mga mata, letcheng alarm clock na yan! hindi ba yan titigil sa pagtikom ng bibig niya?! pilit akong bumabangon pero hindi ako makabangon, may nakayakap kasi saakin sa likod ehhh.
O________________________O !! ANO?!!!
"WAAAAAAAAAAAAAAH!!" sigaw ko habang tinulak ko ang hinayupak sa kama ko! paking shet! bakit ba tuwing umaga nandito siya sa tabi ko!
"ughh! tumahimik ka nga!" at siya pa ang may gana magalit?! hindi ba dapat ako?!! ako nga diba?!!
"Justin naman! diba may sarili kang kwarto?!! bakit dito ka pa sa kwarto ko?!"
"anak ng ... hoy! ikaw kaya ang pumunta dito sa kwarto ko!!"
huh? tumitingin tingin ako sa paligid at ay oo nga noh, hindi pala ako nasa kwarto ko p-pero, paano ako napunta dito?! tinignan ko ng masama si Justin. "dinala mo ako dito noh?!"
"hindi ka ba nakikinig saakin? IKAW ang PUMUNTA dito sa kwarto KO!"
"hoy wag kang feelingerong palaka diyan! bakit naman ako pupunta dito?!"
"hindi ko alam .... siguro ................ hahalayin mo ko?" nakangisi niyang sabi saakin, agad agad ko naman kinuha yung unan sa tabi ko at pinaghahampas sakanya. "a-a-aray Reese! ang sakit! tigilan mo na nga yan! tinatanggal mo ang gwapo kong mukha!"
"dapat lang tanggalin yan! para wala ka nang ipagmamayabang pa!" bigla naman niya ako hinapit sa beywang ko at inilapit sakanya kaya ayun *BOOGH* nahulog din ako sa kama ko at hindi pa yan nagtatapos, sobrang lapit na namin sa isa't isa at kulang na lang maghalikan na kami.
"ano sabi mo? gusto mong halikan ulit kita diyan?"
"h-h-huh? may sinasabi ba ako? wala ah!"
"meron ehh!" at bigla niya nilagay ang isang leg niya sa between ng legs ko ,,, gets niyo pa pinagsasabi ko?! pusang gala! wag na wag niyang gagawin yun kasi kundi hindi niya titigilan, mahahalay ko nga siya ng wala sa oras! >/////< shemaaaay. naiintindihan ko ba ang sarili ko?
"J-J-J-Justin ........... t-tigilan mo yan."
"anong titigilan ko?"
"y-yung----"
"yung ano Reese?"
"yung ginagawa mo! letche ka!!"
"bakit ko naman titigilan?"
"kasi kundi ..."
"kundi ano?"
"anong ginagawa niyo diyang mag-asawa?"
napatingala kami at anak ng patay na nabuhay! si mommy at si tita! ngising ngisi habang tinitignan kami, pilit naman ako naghihiwalay pero letche lang tong si Justin ayaw ako bitawan! +______________+
"hindi pa ba obvious? edi gumagawa kami ng baby!"
"JUSTIN!!!"
ugh. bakit ba kasi ang lakas lakas mo kaya hindi kita mapigilan?!!!
"o siya, mamaya na lang yang pagawa ninyo ng baby kumain muna kayo." atsaka sinarado na nila mommy at tita ang pinto pero bago muna nun, nahagilap ko na taas baba ang kilay nila habang nakangisi, ugh. tinignan ko ng masama si Justin na nakalagay pa din ang kamay sa beywang ko.
"ikaw! bitiwan mo nga ako! alam ko naman na gusto mo lang ako asarin eh."
"nakakatuwa kasi ako na asarin ang honey ko eh~"
"wag mo nga ako tawagin niyan! hindi naman tayo mag-asawa sa simbahan!"
"pero mag asawa tayo sa papel, kaya kahit baligtarin mo pa ang buong mundo at pagpalitan mo pa ang impyerno at langit, mag asawa pa rin tayo at kahit wala sa oras ay pwede ko to gawin." sabi niya sabay hipo sa hita ko, taas baba.
O/////////////////////////O "KYAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!! MANYAK KA TALAGANG KURIMAW KA!!!!!!!!!!"
***
"aray ......... magkakabukol yata ako wala sa oras >3>" tinignan ko naman ng masama si Justin habang kinakain yung scramble eggs ko. "buti nga yan sa isang katulad mong manyak!"
"hindi ako manyak! kinakamusta ko lang yang hita mo kung makinis pa din and as i thought, makinis pa din~" sabi niya habang nakangisi, @#$%!! pigilan niyo ako! makakapatay ako ng manyak!!
"anak ng .. MANYAK KA TALAGA!"
"hindi nga sabi ako manyak! sa gwapo kong to?!"
"ano ba ang gusto mo tawagin ko sayo?"
"your body tester."
"body ---"
"ako ang tagapagcheck kung gaano kalaki na yang boobs mo, kung maliit pa din yang bewang mo, o kung meron pa yang s-line at kung makinis pa yang mga balat mo and etc. etc."
"so hindi mo masasabing manyak ka sa lagay na yan?"
"hindi nga! body tester mo ko! B-O-D-Y TESTER!"
"HEH! BODY TESTER MO MUKHA MO! KAHIT IBALIBAG MO PA ANG MUNDO! MANYAK KA PA DIN! DIYAN KA NA NGA!" at binato ko sakanya ang hawak hawak kong libro.
"ARAY! MAGKAKABUKOL NA NGA AKO! DINAGDAGAN MO PA! THANK YOU HAAA! ANG BAIT MONG ASAWA SA PAPEL!"
"YOUR WELCOME HONEY!" atsaka nag walk out ako sa dining area, ugh. nakakainis talaga yung lalakeng yun no wonder hindi pa talaga ako inlababo sakanya at hanggang crush lang! oo, crush ko yung putakteng manyak na yun T_________________T, sino banaman hindi magkakacrush dun sa napakaamo nang mukha pero napakahot na katawan na ang sarap talaga halayin!
sa maniwala kayo't hindi, nakita ko na yung katawan nun at ang reaction ko? NGA NGA! parang nakakita ako ng greek god sa harapan ko buti nga napigilan ko ang sarili ko ehh pero bago muna ang lahat ako pala si Reese Caballeros-Rivero.
22 years of living in ths fine world, may ari ako ng isang kumpanya na minana saakin ni daddy my labs ko at currently married (sa papel lang) sa pinakanakakairitang lalake na ubod ng gwapo na kalahi yata ni adonis pero napakamanyak naman at laging may mood swings na dinaig pa ako, no other than, Justin Rivero!
curios man kayo o hindi, ikwekwento ko kung pano ako nasakal ay este nakasal sa bakulaw na yun. alam niyo ba yung feeling na wala lang magawa ang mga magulang mo kaya ikaw ang napagtripan? at ganun din ang nangyari kay Justin, sa maniwa kayo't hindi ay best of friends kami ng manyak na yun simula na may suot ako ng diapers.
hanggang sa naghighschool kami lagi kami magkasama niyan! napakagentleman niya, hindi kami lagi nag-aaway dahil nga lagi niya ako pinagbibigyan kung nararamdaman niya na mag-aaway na kami, inaasar pa nga kami na baka kami ang magkatuluyan.
tapos dumating ang panahon na kailangan nila lumipat sa ibang bansa dahil may tinatayong business ang papa ni Justin at mantakin niyo 5 yrs. hindi kami nagkita, nagkausap at kung chechebureche pa, hanggang sa dumating ang araw na bumalik na sila .... nagpaganda nga talaga ako ng bongga bonggang eh! tapos alam niyo ano ginawa niya saakin pagkita namin pagkalipas ng 5 yrs?
hinalikan ako ng kutong lupa na yun!
at may sinabi pa siya eh.
"ang sarap mong halayin." p*cha lang naman! sino namang babae hindi maiinis dun?!! nawala na ang pagiging gentleman niya at lagi na niya akong minamanyakan! kaya ayun lagi na kami nag-aaway T ^ T tapos hanggang sa dumating at sinabi nila mama at papa na papakasalan ko si Justin.
syempre tumutol ako, ayokong pakasalan ang manyak na yun! over my sexy body! pero sadyang makukulit ang inahin at amahin ko at pinakasal talaga kami! at hindi pa nakuntento, pinatira pa kami sa iisang bubong!
haysssssst. ang saklap ng buhay ko eh noh?
*vibrate**vibrate*
kinuha ko ang phone ko na kumikiliti sa may hita ko, hindi ko na inabala tignan kung sino ang tumatawag saakin, alam ko naman kung sino sila ehh.
"alam ko." pang-uuna ko sakanila, naring ko naman ang tawa nila sa kabilang linya.
["ikaw talaga girl, ano ba yang alam mo ha?"] Si Nat ang nagsalita.
"alam ko naman na kayo lang naman ang tatawag saakin na umagang umaga pa lang na paulit ulit at guess what? yayain ako mag shopping!"
["ooohhh~ sige na shopping tayo! miss ko na si Ms. Kuripot na hindi man lang nanglilibre kahit sampung pisong ice-cream!] si Lexi naman ang nagsalita.
ngumiti ako. "well that's because, importante din ang sampung piso, sa tingin mo ba makakabuo ka ng isang libo na walang sampung piso?"
["yup! kasi may piso pa naman~^________^"]
"ewan ko sayo, kita na lang tayo sa starbucks."
["OKAY!!"]
*end call*
napabuntong hininga ako, "saan ka pupunta?" napatingala naman ako.
"magshoshopping." sabi ko habang tumayo, niyakap naman niya ako sa likod sabay ni-rest ang baba niya sa shoulders ko. "sama ako."
"ayoko."
"bili na~ gusto pa kita makasama!"
"the hell? ang sabihin mo lang, gusto mo lang mang chix."
"hmmmmmm............pwede din, sama na ako please?"
"ughh. oo na!"
"yes! thank you asawa ko sa papel!" sabay kiss sa cheeks ko.
yakap, kiss sa cheeks, matulog na magkatabi at kung ano ano pang pangyayari na ginagawa ng mag-asawa, ginagawa namin pero isa lang bagay na hindi namin ginagawa ..
yun ang mainlove sa isa't isa.
#END CHAPTER
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
MLWY#2: *shopping with the chick magnet*
Reese's POV.
pabalik balik ako sa pagtingin ng relo ko, lintek lang! ilang oras na ako nakaupo sa Starbucks and i swear, nanakit na ang pwet ko sa kakaupo! nasaan na ba ang bruha na yun? naku! kapag nakita ko lang sila, sasabunutan ko talaga sila hanggang sa matanggal ang buhok nila sa ulo nila.
"chill out sweetcakes kanina pa nakasalubong ang kilay mo." sabi ni Justin habang kinindadatan niya ang mga grupo na mga babae na which biglang nagtilian ng kinindadatan ni Justin.
isa pa tong bruhong to eh, sasabunutan ko din siya hanggang matanggal ang buhok niya sa ulo eh! kanina pa nakikipagflirt sa kung sino sinong babae dumadaan, tumitingin, nagpapansin sakanya! pasalamat sila marunong ako makapagpigil kasi kung hindi, ngungudin ko sila sa kinakain kong Belgian waffle.
"chill out? gusto mong upakan kita? at pwede ba?!! tumigil ka nga sa ginagawa mo?! nakakairita ha!" kanina pa ako naghihintay dito while siya parang wala lang at nakikipagsosyo sa mga babaeng basag naman ang mukha, hmp.
"uy selos si sweetcakes, okay lang yan sweetcakes, ako pa din naman ang asawa mo ehh...sabi mo nga kahit ibalibag ko pa ang mundo ^_^"
"hoy ikaw chickmagnet ka! wag na wag mo akong tatawagin na sweetcakes! nakakadiri ang endearment mo saakin."
"endearment? at may nalalaman ka na pala nun sa relationship natin? naaks! inlove ka na ba saakin? naku! wag na wag mo sabihin yan, i told you ........ hindi tayo pwede mainlove sa isa't isa."
napatigil ako.
oo nga pala, after nang kinasal kami sa .....papel (=.=) sinabi niya saakin na hindi dapat kami maiinlove sa isa't isa, naalala ko pa yung sinabi niya saakin.
'let's play a game sweetcakes, ikaw, ako, let's act like we're married which we really are right now pero isa lang bagay ang hindi natin gagawin ang mainlove sa isa't isa at kung sino man ang mainlove, siya ang kawawa'
at dahil shunga nga ako! pumayag ako! pero buti na lang at nakakainis tong bruhong to kaya hindi pa naman ako naiinlove sakanya hanggang crush lang at panghahalay! charing. XD
"i know, hindi mo naman kailangan ipaalala saakin."
ngumisi siya.
"but an endearment will be good ^^."
"ano naman ang gusto mong tawagan?"
"hmmm..naiinggit kasi ako kanila mama at papa kaya 'daddy at mommy' na lang tawagan natin." tinignan ko siya ng seryoso-ka-ba-look, ngumiti naman siya abot tenga at tumango tango na parang bata..hmm, hindi naman masama.
"o sige daddy." sabi ko habang kinindadatan siya, tumawa naman siya ng mahina.
"tara mommy shopping tayo."
"wait lang hinihintay ko pa sila Lexi at Nat eh."
"hindi na yun makakapunta! kaya tara na, gustong gusto ko na makabili ng polo ehhhh." at siya pa talaga ang nang-aaya? "bakla ka noh?" prangka kong tanong sakanya sinamaan naman niya ang tingin niya saakin.
"sa gwapo kong to? no waaaaaaay. wala sa lahi namin ang dugong berde mommy, halika na nga! halikan kita diyan!"
"edi halikan mo! sinong tinatakot mo?"
"gusto mo talaga na halikan ka noh?" bago pa ako makasagot ay hinalikan niya ako pero smack lang sa lips sabay talikod uli, hmmmmm >______> bakit dissapointed ako na smack lang? aish!
***
"mommy ano sa tingin mo? yung turquoise or yung white?" si Justin yan, sino pa naman ang tatawag saakin yan? my god, grabe tong lalakeng to! dinaig pa si Lexi kung makapangshopping! and take note 10 stalls na kami pumasok at wala pa siyang nabibiling polo!!
nahahalata ko na talagang may dugong berde tong lalakeng to eh! -____-++ pero may part din na nagsasabi na ang cute niya habang naghahalungkat ng polo at may part din na gusto ko makapang patay ng tao dahil sa mga letcheng babaeng to na lumalapit sa daddy ko!
like duh! bulag ba sila? haler? nandito ang asawa! well, not like naiinis talaga ako to the point gusto ko na lagasin ang mga buhok nila at pagpupunit ang mga damit nilang kakaiksi which halos ipakita na talaga nila at yung mga bunganga nila na ang sarap lang talaga lagyan ng asido! hindi naman ako naiinis eh!
"yung white." tipid kong sagot, ang cute kasi ehh .. at bagay sakanya para naman mag mukha siyang angel! lagi kasi siya pinapalibutan ng mga demonyo!! katulad ngayon.
"hmmmm, okay! sabi ng mommy ko eh!" sabay kindat at dumeretso sa counter, napatingin tingin naman ako sa mga damit na nakahanger at may isang dress na nakuha sa pansin ko.
gusto ko ang kulay kasi paborito ko din ang kulay, baby pink <3
"gusto mo yan mommy?" napalingon naman ako sa lalakeng nakayakap sa likod while yung baba niya ay nasa shoulders ko, binalik ko naman agad agad ang dress ko.
"hindi ah. tara na nga daddy, i'm sure may iba pang magandang damit."
***
Justin's POV.
one last look, sabay umalis na ako sa stall, alam ko naman na gustong gusto ni mommy yun ehh .. halata kaya! ako pa ang hinindi niya, ano ako t*nga? hinawakan ko naman siya sa kamay niya, two years, two years na kami magkasama at sanay na sanay na kami sa ganito. magyakapan, maghalikan sa cheeks, sa lips o kung saan saan pa, matulog na magkatabi at magholding hands.
pero ang maramdaman namin na mahal namin ang isa't isa? hindi at parang nagsisisi ako na sinabi ko yun, nakakasawa na tong laro na to gusto ko na totohanin pero bakit ko naman gusto totohanin to? inlove na ba ako sakanya?
imposible.
imposibleng imposible sa katulad ko.
"daddy ano tingin mo bagay saakin dito?"
"hmmm ..... saakin, bagay na bagay ka saakin." napansin ko naman namula ang mukha niya.
"sure ka? ako anghel ikaw demonyo."
"hindi na kailangan yun because god and satan knows how we are perfectly matchmade in heaven and hell." nagsihiyawan naman ang lahat ng tao sa loob ng stall at nakita ko pa binulongan siya ng isang babae na nagpamula pa siya ng sobra sobra, bigla naman niya ako hinila palabas ng stall at rinig na rinig ko pa ang hiyawan nila.
"arghh. trip mo talaga akong asarin noh?!"
"asar? mali yata, hindi ba dapat kilig?"
"at bakit naman ako kikiligin?"
"oh, i don't know, kasi nakita kita namula?"
"namula ako sa galit!"
"whewww...maniwala! hindi naman nagsasalubong ang kilay mo!"
"kailangan pa ba magsalubong ang kilay ko para magalit?"
"yup! two years na tayo kasal sa papel mommy kaya kilalang kilala na kita." sabi ko habang hinalikan ko ang tungki ng ilong niya at inunahan siya sa paglakad.
kung ganito pala kasaya na kasama siya magshopping araw araw ko na siya isasama >:) napadaan naman ako sa stall na binilhan ko kanina ng polo at nakita ko isang babae na binibili ang baby pink na dress na gusto ni Reese kahit balik baliktarin pa ang sitwasyon ay gusto talaga niya.
napansin ko naman na nakatingin din siya sa babaeng binibili yung gusto niyang dress, napayuko siya sabay tumalikod agad agad naman ako lumapit sakanya sabay inakbayan ko siya.
"next time kasi kunin mo na ang gusto mo, ayan tuloy naagawan ka pa ikaw tuloy ang kawawa."
"ano naman yang ibig mong sabihin?"
"alam ko naman na gusto mo yung dress na yun ehh .." nakita ko naman na aangal siya kaya inunahan ko na siya. "hep! wag kang aangal, sinabi ko na sayo two years na tayo magkasama at alam na alam ko na kung sino ka at ano ka."
"aissh .. i'll make sure makukuha ko na ang gusto kong makuha."
"that a girl! tara shopping pa tayo ^__________^."
"alam mo ikaw lang ang lalake na gustong gusto magshopping."
"at ikaw lang ang babae na ayaw magshopping."

MLWY#3: *I Hate You*
Abala si Reese sa pagtingin at pagpipirma sa mga papels na puro lang naman mga business proposals at kung ano ano pa na nagpapasakit sa sentinido niya at mas lalo pang sumakit yun nang dumating ang secretary niya at dinala pa ang mas maraming papeles ilang araw din siyang nagtook ng leave pero hindi niya naasahan na ganito pala kalalala ang pagleave niya.
"next time ipaalala mo nga saakin na hindi na ako magleleave." sabi ni Reese habang iniisa isa tinitignan ang mga business proposals ng iba't ibang kumpanya, napatawa naman si Lucy sa sinabi ng kanyang bossing, three years na siya nagtratrabaho dito at saksi siya sa lahat ng tiyaga na nilagay nito sa lahat ng mga trabaho niya at lahat ng pasensiya na ibinigay niya sa mga nakakairita niyang mga empleyado.
"hay nako, ikaw talaga idol! dapat talaga sayo magkaroon ka ng permanent leave ehh!"
"ugh. nakakairita kasi yung manyak na yun, siya naman ang may reason kung bakit ako nagleave! at kung hindi dahil sakanya hindi sana ako matatambakan! bwiset!" sabi ni Reese habang hinahaplos haplos ang kanyang noo na pakunot ng pakunot, hindi na lang umimik si Lucy at nakangisi lang sakanyang bossing, two years na din na kasal sa papel ang dalawang amo niya.
oo, amo din niya yun. nagpapart time job siya bilang waitress sa five restaurant ni Justin at kahit alam ni Justin na nagtratrabaho na siya sakanyang asawa ay tinanggap pa din niya ito at itinuring na parang nakababatang kapatid.
"siya ang reason? yii. iba na yan idol ha! kaw na! kaw na talaga! bongga ka! ano nga ba ang ginawa niya kaya napaleave ka wala sa oras?"
"Eh bigla kasi ako tinawagan ni mama na may mataas na lagnat na si Justin dahil alam ko kung anong ugali ng manyak na yun kapag may sakit at alam ko na matagal yun makaraos sa sakit ay nagleave ako ng apat na araw at nalaman ko na wala naman siyang sakit at .. at ..."
"kung makakapatay ka na ng tao at ako nanaman ang imamassacre mo diyan sa galit mo, wag mo na ituloy idol."
"haysst! nakakainis talaga siya diba?! diba?!!"
"hmmm, well i admit, may pagkapilyo si kuya Justin pero hindi mo naman talaga madeny na napakagwapo, napakaamo at dagdagan pa natin na napakahot niya diba?"
tinignan naman siya ni Reese ng nandidiring look.
"kilabutan ka sana sa pinagsasabi mo."
napakibit balikat na lang si Lucy at lumabas na lang sa opisina ng kanyang bossing na wala yatang balak makipagbiruan, well, sanay na siya dito. sanay na siya na lagi itong nakasimangot, nakasalubong ang kilay at nagtataray pero hindi niya mapigilan mapangiti kapag tinitignan niya ang bossing niya kasama ang isa pa niyang bossing, ang asaran nilang dalawa at ang lambingan nila.
alam niyang si kuya Justin ang 'The One' ng masungit niyang bossing.
***
Reese's POV.
napaub-ob naman ako sa desk ko, shemaaay. wala bang ikababawas tong mga to? ughh. lagot talaga saakin yung lalakeng yun! gugulpuhin ko siya!
*mommy ko! may message ka mommy!*
wag niyo na tanungin nagulat na lang ako na ganun ang ringtone ko! gugulpuhin ko nga siya pero nakalayas na ang loko, kinuha ko naman ang phone ko at tinignan kung sino ang nagtext at ano ang text.
From: Daddy (SIYA DIN PALA ANG NAGLAGAY! PSH.LAKAS NG TRIP NG LALAKENG YUN =_=)
Mommy~! tara lunch tayo!
ang sweet namin diba? HINDI! mali ang iniisip ninyo! dahil ipapapunta niya ako sa restaurant niya sabay ipapakain ng maraming marami hanggang saakin niya ipababayad lahat! shemay lang! dapat talaga tinatandaan ko na kung sweet ang isang Justin Rivero hindi dapat lagi nagpapadala agad agad!
dali dali naman ako nag-text sakanya.
To: Daddy
AYOKO! =________= papabayarin mo nanaman ako eh! at busy pa ako sa papeles dahil lang naman sa nagLEAVE ako at dahil nanaman yun SAYO! naku kung wala lang talaga ako sa kinauupuan ko kanina ko pa pinilipit yang liig mo!
sending ...
*mommy ko! may message ka mommy!*
tinignan ko ulit ang message niya at mas lao pang kumulo ang dugo ko, hindi ba uso sa lalakeng to ang mabadtrip o ...... mainis?! kasi kung hindi, AKO ANG NAIINIS! AT NABABADTRIP!
From: Daddy
ang sweet naman ng mommy ko kaya nga HATE na HATE kitang asawa ko sa papel eh! yung totoo, may sweet vibes ka pa ba? puro kasi bad vibes yang sa katawan mo eh!
.
To: Daddy
bad vibes? MARAMING MARAMI at kanino lahat pinupuntirya? SAYO lang naman! the feeling is mutual my dear asawa ko sa papel!
.
From: Daddy
psh. I HATE YOU MORE. pupunta ako diyan sa office mo.
.
To: Daddy
I HATE YOU THE MOST. what?! pupunta kita dito?!! HINDI PWEDE!!!!!
.
From: Daddy
I HATE YOU LIKE I HATE HOW GLOBAL WARMING EXIST AT BAKIT WALANG SNOW SA PILIPINAS! oo ngayon na ako pupunta at pakealam mo ba? kaya sa ayaw at gusto mo, pupunta ako! BLEHHH!
tinignan ko ang sarili ko sa mirror at shit! hindi niya ako dapat makita ng ganito, ang gulo ng buhok na dinaig ko pa ang bruha! at ang gulo gulo ng mukha ko at damit ko! pero ... bakit ba ako mag-eeffort magpaganda sakanya? alam ko naman na kahit anong gawin ko dun kahit ibalibag ako nun AYAW saakin nun!
psh.
hmp.
To: Daddy
I HATE YOU THE MOST IN THIS FREAKING WORLD! THIS FREAKING MILKY WAY! AND THIS FREAKING UNIVERSE! bleeeehh. edi pumunta ka.
sending .........
biglang bumalibag ang pinto, ugh. kakaayos ko pa lang sa pinto na yun pagkatapos niya sirain last 5 months tapos sisirain nanaman niya?!
"hoy! uso ang katok!"
"pwes saakin hindi! oh!!" sabi niya habang nilahad niya ang kanyang kamay na may hawak hawak na lunchbag, napakunot naman ang noo ko at tinignan siya. "ano yan?"
"shunga ka ba o ano? lunch bag!"
"alam ko!"
"yun naman pala ehh, bakit nagtatanong ka pa?!"
"hmp. ewan ko sayo!" tumayo ako at inagaw ang lunch box na hawak hawak niya sabay tinitignan kung ano ang loob at napagtanto ko na lunch pala yun! tinignan ko naman siya na kakaupo lang sa swivel chair KO.
kung hindi lang ako natouch sa binigay niya saakin ay kanina ko pa to sinipa. "salamat." tipid kong sagot, bigla naman niya ako hinapit sa bewang at pinaupo sa lap niya at sa hindi niyo pa tinatanong ay ilang inches na din kami magkalapit.
"no problem my asawa ko sa papel and oh by the way, I HATE YOU SO MUCH"
"like i said, the feelings mutual." pagkatapos binaling ko ulit ang atensyon ko sa lunch, tinanggal ko yun sa lunch bag at tinignan ko kung anong ulam at waaaaaaaaaah~ang paborito kong ulam ..
"chicken ala king and with your favorite dumplings ^^"
"niluto mo to?"
"oo naman noh! gusto ko lang naman yan gawin special at para na din ipamukha sayo na ang galing galing ko magluto."
"at ako hindi. salamat ha .. ang bait mo." sarkastikong sagot niya, tumayo naman ako at kumuha ng isang upuan at itinabi sa swivel chair ko sabay tuluyan na binuksan ang baunan at nagsimula na kumain, i admit. ang sarap talaga niya magluto ^^. "masarap ba?" tinignan ko naman siya, nakapanglumbaba siya at nakikita ko sa mata niya na hindi siya mapalagay.
napangiti naman ako, tumusok ako ng isa sabay itinapat sakanya. "try mo." naghesitate siya nung una pero sumubo ulit siya sabay ngumisi abot tenga. "sabi na nga ba ang sarap ng luto ko eh!"
"yabang mo pero hmmmmm. pwede naman, next time dalhan mo ako."
"parang baligtad yata ..."
napakunot naman ang noo ko. "ano naman baligtad doon?"
"hindi ba dapat ang babae ang gumagawa ng lunch sa lalake?"
"well, hindi na yun uso kasi tayo ang nagpauso."
"ay....AYOKO. gawan mo din ako!"
"ano ba! para kang bata eh!"
"ehhhhhhh."
"hindi ako marunong magluto!"
"edi magpaturo ka! gusto ko malasahan ang luto mo!"
"yeah right, bago ka muna mahimatay."
"okay lang, gustong gusto ko talaga malasahan ang luto mo ....."
tinignan ko siya at nakatitig siya saakin, napalunok naman ako sa last bite ng dumpling ko at napabuntong hininga, bakit ba hindi ko siya matiis kung ganun na ang titig niya?
"sige na nga."
"yes! promise mo yan ha? dadalhan mo ko ng lunch! i hate you mommy!"
"i hate you too daddy."

MLWY #4: *Badtrip ba kamo?*
Justin's POV.
dahan dahan ko minulat ang aking mga mata at nakita kong wala na ang katabi ko kagabi, ugh. si mommy talaga nilayasan nanaman ako nun T ^ T bumangon na ako at tinignan ang orasan sa tabi ng headboard ng kama ni mommy.
8:00 A.M
bakit ba ang aga gumising ng babaitang yun? oh well. lumabas na ako sa kwarto at nakita si mama na busy sa pagluluto, umupo na lang ako sa upuan ko at ininom ang hinanda saakin ni mama na kape.
"napadaan po pala kayo ma."
"na miss ko lang ang dalawang entertainer sa buhay ko." may ngiting sabi ni mama na umupo sa tapat ko at pinagsaslice ang bread. "ma .. hindi kami clown T_____T" ewan ko ba diyan kay mama at tita lagi sinasabi entertainer daw kami hindi naman inaawat ni papa at tito, hmp.
"pero nakakatuwa kasi kayo tuwing magkasama! hindi ko lang talaga maisip na two years na kayo kasal wala pa akong inaapo T 3 T"
"MA!" kahit kailan dumi din ng utak ng nanay ko, ngayon alam ko na kung saan ako nagmana.
"bakit?? gusto ko lang naman makita kung gaano kaganda ang lahi ng Rivero at Caballeros nooh!"
"pwede ba ma? pinagkasunduan na namin ni mommy na HINDI kami gagawa n-n-nun."
"mommy? uyyy! may endearment na kayo! naaaks! ibang level na yan anak!"
"ugh. mama naman! anong oras po ba umalis si Reese?"
"mga 7 hindi ka ba niya ginising?"
"HINDI ==''. lagi naman eh."
"UYYY~dissapointed much!"
"kahit ipatuwad mo pa ang mundo ma, asawa pa din niya ako kahit sa papel lang at bilang asawa ay kailangan ko din gampanin ang pagiging asawa ko."
"right ..... nagawa niyo na yun lahat anak! kiss, hug, holding hands pero kahit ganun may missing element eh."
napataas naman bahagya ang isang kilay ko. "ano naman po yun?"
"Love." muntik ko na maibuga ang kape na iniinom ko, MUNTIK lang naman.
"a-a-ano?! ma! how many times i told you that----"
"hindi kayo maiinlove sa isa't isa at napagkasunduan niyo na yun, bleeeeh! balang araw kakainin niyo din yun anak!"
"as if."
"bahala ka~ what you don't expect, happens, sige una na ko! babuuuush~" at tuluyan nang umalis si mama napahawak naman ako sa baba ko.
mainlove?
sa masungit na workaholic na babaeng yun?
NO WAAAAAAAAAY! pero bakit nababadtrip ako na nilayasan nanaman niya ako? hindi man lang niya ako hinintay gumising o hindi man lang sumabay sa pagkain. as if naman ginagawa namin yun nooh, first time ko lang na kasabay siya kumain kahapon.
and i admit, medyo kinabahan ako. yun at yun lang yun.
***
"badtrip ka?" napatingala ako at si Lucy pala, 17 years old pa lamang siya at sa maniwala't kayo o hindi ay kakagraduate niya lang sa college, accelerated kasi ng tatlong beses, talino niya noh? kainggit T0T.
"hindi masyado."
"hindi masyado? weh? simula nang pumasok ka sa office mo nakasalubong ang kilay mo at nakakunot ang noo mo at hindi ka man lang nag greet ng good morning at ngitian sila which by the way you always do every morning kung pumapasok ka at hindi ka nga nakipag apiran kay manong guard eh!"
ganun na ba ako kabadtrip sa babaeng yun? O__________o
"so sabihin mo nga saakin HINDI ka pa ba masyadong badtrip sa lagay na yun?" yung totoo, sino ang mas matanda? ako o siya? =_=
"may-may iniisip lang kasi ako."
"sino?"
"sino agad?"
"si idol noh?" idol ang tawag niya kay Reese hindi ko alam kung bakit pero idol na idol niya daw si Reese, psh. sino naman ang matinong tao iidolo dun sa masungit na laging may pms na babaeng yun? siya lang!
"hindi ah."
Justin's mind says: sus! deny ka pang g*go ka! EHH totoo naman! amin amin din pag may time!
"alam mo BAGAY na BAGAY kayo ni idol ehh."
napatungway naman ako at napangisi. "TALAGA?"
"oo! parehas kayong stubborn!! diyan ka na nga! magseserve pa ako ng customers, kasira ka ng beauty!"
hmp. kasalanan ko ba na lumaki akong ganun? T____________T, i decided to text her.
To: Mommy
oi mommy! punta ako diyan haaa? magpaganda ka!
sending ..
pano banaman kasi! nang pumunta ako kahapon ang gulo gulo ng buhok niya at damit niya! pero she was definetly nakakainit langs talaga! ang hot niya kaya! isama mo pa ang pagiging hot ko! dinaig pa namin ang araw sa pagkahot!
1 minute ..
2 minutes ..
3 minutes ..
hanggang sa umabot ng 15 minutes ay hindi pa din SIYA nagtext! kinuha ko ulit ang phone ko at ti-next ulit siya.
To: Mommy
MAG-REPLY KA! KUNDI REREYPIN TALAGA KITA PAG-UWI MO SA BAHAY!
at wala pa ding reply ..
To: Mommy
HUUUUUUUY! REPLY KA!!!
and WALA pa din, tinignan ko ang orasan at it was nearly 12 P.M shit! ganito na ba ako katagal nag hintay sakanyang text message? dali dali ako tumayo at lumabas sa office ko, gi-nreet pa nga ako ng empleyado ko ehh pero hindi ko sila ginreet at dumeretso retso lang sa kotse ko at pinaandar papunta sa kumpanya kung saan namamahala ang masungit na babaeng yun. lagot siya saakin.
BADTRIP ANG ISANG JUSTIN RIVERO.
AT KASALANAN YUN NG ISANG REESE CABALLEROS!
#CHAPTER END

MLWY #5: *Effort*
Agad agad pumasok si Justin sa main door ng kumpanya ng Caballeros, napalinga linga siya at nakita niya na lahat ng atensyon ng mga tao ay nasakanya lalong lalo na ang mga babaeng empleyado, lumapit siya agad sa counter.
"exscusme miss, nasaan si Reese?" seryoso niyang tanong sa babaeng nasa counter pero parang hindi yata narinig nito ang tanong niya dahil nakatunganga pa ito habang nakanganga na hindi makapaniwala na may isang gwapong nilalang sa harapan niya.
"miss, nasaan si Reese?" tanong niya ulit na halatang naiirita pero hindi pa din yata natinag ang babae at mas lalo pang minasdan ang lalakeng nasa harapan niya pero bigla naman siyang natauhan ng siniko siya ng kasama niya.
"u-uhmm .. nasa office po yata .. siya."
yata? sabi niya sa isip niya, anak ng .. ilang beses na siyang nagtetext sa babaeng yun ay nasa office lang pala siya? agad agad naman siyang naglakad pero bigla naman siyang napatigil nang tinawag siya ni Lucy.
"anong ginagawa mo dito kuya Justin?"
"hinahanap ang idol mo, nasaan siya?"
"ahhh ... well ........ sabi kasi niya, hindi siya pwedeng istorbohin."
napataas naman bahagya isang kilay niya.
"bakit naman?"
"e-ewan ko." sa tono ng boses ni Lucy alam niyang may tinatago ang dalaga sakanya kaya hinawakan niya ito magkabilang balikat. "bakit hindi siya pwede istorbohin?"
"k-kasi .."
"kasi ano?"
"uhmm .. hindi talaga pwede kuya Justin ehh!"
"pwes sabihin mo diyan sa asawa ko gagawin ko ang gusto ko." atsaka dumeretso retso na siya papuntang elevator at pinindot ang floor number kung saan ang office ng asawa niya (sa papel)
*ting*
tunog yun ng elevator na naghuhudyat na dumating na siya sa office ni Reese, bumukas naman ang mga pinto at mas lalong napakunot ang noo niya nang wala ang babaeng kanina pa nagbabadtrip sakanya, kaninang umaga pa.
"asan naman yung babaeng yun?" tanong niya sakanyang sarili habang minamasdan ang swivel chair at yung mga papeles na nakalatag sa desk na which paunti din ng paunti, tumingin siya sa paligid at lahat naman ay nakaayos kung saan dapat nakaayos.
hanggang sa may nappansin siyang usok mula sa personal kitchen nito, agad agad naman siyang pumunta doon at nakita niya si Reese na dali dali kumuha ng malamig na tubig at ibinuhos doon sa kalan na nag-aapoy ng sobra sobra.
"whew!" sabi ng dalaga habang tinatanggal ang pawis sa noo nito, tahimik lang niya minamasdan ang dalaga na tinapon ang sunog na ulam at hinuhugasan ang kalan. "ugh. nakakainis naman kasi yung manyak na yun, bakit pa kasi kailangan niya sabihin yun?"
napakunot naman ang noo niya. ano ba ang pinagsasabi ng babaeng to? tanong niya sa isip niya, pilit pa din nito na hinuhugasan ang kalan pagkatapos nun ay sinalang ulit ito at napagtanto niya na nagluluto ito, binasag nito ang isang itlog which sure niya ay panghuli na dahil pagtingin niya sa garbage can ay nagpakarami raming basag na shells ng itlog ang nakatambak doon.
hindi naman niya mapigilan ang sarili niya mapangisi.
"paking sheeeet. bakit ang hirap mo basagin?!" sabi nito at atlast! ay nakabasag ito ng perfect sa isang bowl na kulay green! "yess! perfect na din ^^" at sinimulan na nito ang paghalo, hindi niya alam kung ano ang reaction niya sa paghahalo nito but one thing's for sure.
natatawa siya dito.
naghahalo lang naman kasi ito ng paikot hindi katulad talaga sa pagbeat na para sa itlog, gusto niya lapitan ito para tulungan pero gumalaw na ang dalaga at inilagay niya ang itlog na hindi pa nasasalang ang mantika!
"ay ang mantika pa pala!" sabi ni Reese na kinuha ang mantika at inilagay sa itlog.
kung sino man ang makakatikim nun ay malas.
"ok! kailangan ko na siguro gumawa ng----------JUSTIN?!!"
natauhan siya bigla ng nakita niya ang dalaga na nakatingin sakanya, he let out a innocent smile.
"h-hi mommy! ^^."
"ano ginagawa mo dito?!!"
"wala lang, ikaw kasi eh!"
"at ako pa may kasalanan?"
"oo! kung hindi ka lang kasi nagrereply ay hindi sana ako pumunta dito!"
"n-n-nag text ka?!" agad agad naman kinapa kapa ni Reese ang kanyang mga bulsa at nakita nga niya ang mga messages ni Justin sakanya, napalunok siya. "sorry, medyo busy lang kasi ako."
"busy sa pagsunog ng personal kitchen mo?"
"grabe ka naman! tinatry ko lang magluto!"
"or should i say mangmurder ng tao?"
"hmp. ikaw kasi ehhh!!"
"at ako pa?!"
"kung hindi mo lang kasi sinabi saakin na dapat ang babae ang gumagawa ng lunch para sa lalake hindi sana ako magkakandarapa magluto! alam mo ba kagabi pa ako nagprapractice?!"
nanlaki naman ang mga mata ni Justin. "kagabi pa?!"
"oo!!" napangisi naman siya sa sinabi ng dalaga at lumapit siya.
"ang swerte ko naman sa asawa ko <3"
"wag mo ako bolahin! hindi kita papatulan!"
"hindi ako nangbobola, nagsasabi ako ng T-O-T-O-O."
at yun talaga ang totoo, medyo natouch siya sa tiyaga ni Reese, hindi niya naman aakalain na seseryosohin ng dalaga ang sinabi niya pero kahit papano natutuwa siya, kung paano lahat ng bandaige sa mga kamay at pisngi niya na nagpapakita kung paano naghirap ito para gumaling ang pagluto kahit scramble eggs man lang.
at hindi man lang ito nagpatulong.
pero natauhan siya ng biglang may naamoy na usok. "ano yung usok?" sabi niya habang sinisinghot singhot pa niya napalingon naman sila sa itlog na nakalagay sa kalan na konti na lang ay masusunog na.
"kyaaaaaaaaa! ang itlog !!"
***
Reese's POV.
"p-p-pagpasensiyahan mo na kung ganyan ang nangyari sa i-i-itlog, i swear! hindi ko yan sinasadya!" nakakainis ka naman kasi Reese hindi mo man lang binabantayan ang itlog! ayan tuloy, hindi nga basag pero SUNOG! ugghhh. last panaman yun T 3 T at nakakasawa na pabalik balik na siya sa grocery.
"hmmm." tinignan ko si Justin na minamasdan lang ang itlog, haysss. nakakahiya lang talaga! T^T, hinawakan ko naman ang plato. "okay lang kahit hindi ka magsalita alam ko naman na pangit tong gawa ko, magluluto na lang ulit ako." tatayo sana ulit ako ng hinawakan niya ako sa kamay ko.
ngumiti siya.
yung hindi nakakapang-asar.
"kahit sunog, kakainin ko, luto mo yan!" nakakatouch ka naman Justin TT____TT hindi mo naman kailangan mangbola eh!
"t-t-talaga?" tumango siya, tinidor niya yung scramble egg at kinain niya ng buo.
1 ..
2 ..
3 ..
at bigla siyang umubo, dali dali ko naman kinuha ang tubig at pinainom sakanya!
"o-ok ka lang?! sabi ko sayo! wag mo na kainin ehh ayan tuloy!"
"hehehehe. hindi ko kasi mapigilan, alam mo bang badtrip ako kaninang umaga pa lang dahil sayo?"
"huh? O________o bakit naman?"
"ikaw kasi! lagi mo na lang ako iniiwanan at hindi ka man lang sumasabay mag breakfast tapos hindi ka pa nagrereply sa text ko, sino ba namang hindi mababadtrip nun?"
napayuko naman ako.
ang totoo, hindi ko naman yun sinasadya ehh, masyado lang siguro occupy ang utak ko sa pagluto kaya pati papeles ko hindi ko inabala at dumeretso retso ako sa personal kitchen ko at nagsimula na magluto.
"sorry .. hindi ko naman sinasadya .. eh."
"pero nang nalaman ko na ganun pala kung bakit hindi ka makareply or hindi ka man lang sumabay sa breakfast ay natouch ako, first time lang kasi na may ganung babae ang gumawa sakin nun eh."
"at first time ko lang din na magluto para sa isang lalake."
ngumisi siya sabay tumayo at hinawakan ang kamay ko para itayo.
"halika, tuturuan kita magluto."
"wag kang magalit saakin ha."
"okay."